at ako ay tilang nakatulog, di ko napansin ang aking narating
ako raw ay nasa ibang mundo, kulay rosas ang ginto
ng ika'y aking unang nakita, araw ko ay sumaya
Ilang mega taon na rin ang nakalipas noong dinadayo namin ng walang kamatayan ang Kalye Bar sa Palanca. Isang daang piso, dalawang red horse, habang sigaw na hiling kantahin ng banda ang Beep Beep o Balong Malalim ng Juan de la Cruz. Ilang isang daang piso at red horse, ilang kanta na inihatid kami sa ibang lugar, sa ibang mundo sa loob ng ilang oras. Minsan naman sa ilalim ng buko, naka-upo sa mesang sira, walang pansin na sigaw nating kanta Ang Himig Natin habang naghihintay sa dagat ng Nasugbu. Nakapikit at kahit nakadilat, ang mundo sa harap natin ay totoo. Payapa, kasama ang kaibigang tunay, ang kinabukasan ay mararating pa lamang sa ibang daigdig.
Ngayon pagkaraan muli ng panahon, ang walang tigil na tinig nanaman ni Pepe Smith at Mike Hanopol ang maririnig sa loob ng sasakyan ko - mga parehong tugtugin at salita sa ibang lugar at mundo, lumalakbay sa iba't-ibang panahon. Isang kinabukasan na ang naabot at isa nanaman bahagi ng kinabukasan ang hinaharap. Walang tigil na bukas. Baka nga minsan, may mga taong pumipilit humawak sa nakaraan dahil walang maabot ngayon ni bukas. Kung minsan, kasama tayo sa mga taong ganon.
Ganon lang talaga ang buhay, sagana sa paglakbay - sa gawa, sa panahon at sa isip. Ngunit sa ating paglalakbay, di maari na parating masaya. At sa paglakbay natin, parating may magbabago at minsan nakakadala ito ng lungkot.. Kung minsan ganado tayo sa lahat ng pangyayari sa buhay natin at kung minsan nawawalan tayo ng gana. Yan ang mga panahon na binabalik-balikan natin ang kahapon. Lahat tayo dumadaan sa mga araw na ganito. Di ito kaka-iba.
Ngunit nakakalungkot rin talaga na pagkatapos ng tatlong pu't pitong taon ng Juan de la Cruz ay pinapakinggan ko pa rin sila.
*Ang album Maskara ay pasalubong ni jeanette, pangatlo ng Juan de la Cruz, inilabas ito noong 1975. Wala pa akong 5 taon noon.*

Ako, when I heard songs, it links immediately to what age was i, when I first heard the song.
ReplyDeletemostly, it is childhood, nong kabataan pa baga!
ngayon, nasa france na ako, wala na ako marinig kungdi:
Johnny Halliday, waaaah!
wala ako childhood days na malink dyan!
Pepe Smith rawks, Makis!!! I love him, I saw him at the NU Rock Awards, ngumingisay-ngisay sa sahig ng stage to get his Lifetime Achievement. Rak star na rak star! Classic yan, I wouldn't mind listening to them till I'm 60.
ReplyDeleteHello Makis...ako ang naaalala ko yung Hagibis...hehehe, baduy ba? Kool sila noon eh...grade school ako ata nun. Tapos syempre andyan din si Didith Reyes...Imelda Papin? Yaiks, pabaduy bako ng pabaduy? O sige na nga, Kuh Ledesma, ayan...hanggang ngayon andyan pa rin sya, classic na classic diba? My husband loves Filipino songs, kahit hindi nya naiintindihan...wala ako CDs dito sadly. Kaya I go to youtube to watch Filipino music videos...hay naku, totoo yan, babalik-balikan talaga natin kahit ano mangyari...:-)
ReplyDeleteSongs can also be an album of our memories, diba Francesca :) Yaan mo, someday ma li-link mo din si Jhonny Halliday sa memories mo sa France ;-)
ReplyDeleteWe'll be rocking lolas then, apol! Also saw Pepe Smith in Club Dredd, talagang rock na rock ang dating!
Len, don't forget VST & Co, Apo Hiking, Rick Segreto & Gary V! Minsan sarap kumanta in tagalog diba :)
Makis, ay, talaga, sinabi mo pa! Pag andito ako sa house, panay patugtog ko ng tagalog sa internet...oo nga, nakalimutan ko mention mga minention mo, ang gagaling diba? Sabi nga husband ko, very talented daw mga Pinoy...bilib daw sya talaga kasi magagaling na singers. Nanuod kami last year ng concert ng San Miguel Philharmonic Orchestra...si Ryan Cayabyab ang director nila, ang galing-galing!!! :-) Back to oldies...gusto ko din si Eva Eugenio, nasa grade school ako nun, kinakanta ko ang 'Bakit Ako Mahihiya?' Hahaha!!!
ReplyDeleteOnce naging rock din ako pero mas pinakikinggan ko ang Nirvana, Metallica, Led Zeppelin & the likes! Teka nahuhuli ata ako sa Pinoy conuterpart :( .
ReplyDeleteAh those were the days pero gusto ko pa ring silang pakinggan lalo pag ako'y nag iisa. PURE ROCK !!!
OY DIDITH REYES also: ba-ket a-ko ma-hi-hi-ya....or "Oh Tukso layuan mo akooooh!" lol
ReplyDeletehalatang may edad na si lola francesca nyo hihihihi!
Ah, si Didith Reyes pala yang tukso layuan mo ako!
ReplyDelete